Panulaan ni kai
Panitikan
Oh ika'y tunay na alamat
Sa iyong amor na
Tanging katha ng aking isip.
Sa anong diyalekto
Iyong maiintindihang
Sinisinta kita?
Pag-ibig ko'y maikling kwento,
Ikaw lamang ang paksa
Sa sampong pahina.
Bugtong-bugtong
Dalawang bilog
Malayo sa akin ang pagtingin.
Makata man kung umibig,
Walang tamang sukat
Hanggat 'di tayo nagtutugma.
Handang salaysayin
Mula simula hanggang
Sa ikaw ang maging wakas.
kai
Sa Waiting Shed
Dagsaang mga dumadaan
Businang walang pigil at
Baka de kwatrong upo
Habang el bimbo ang tugtog.
Businang walang pigil at
Baka de kwatrong upo
Habang el bimbo ang tugtog.
Wari'y mata'y nasilaw,
Puwera sa isip na makulimlim.
Kung bakit ikay' imposible
Sa ating mundong posible?
Saang eksaktong
Waiting shed ba ang hintayan
Sa mga taong 'di sigurado
Ang balik?
kai
Manunulat
Ako ang may akda
Ngunit ikaw ang paksa
Sa aking Katha.
Ako ang makata
Ngunit ikaw ang tugma
Sa aking tula.
Ako ang mang-aawit
Ngunit ikaw ang ritmo
Sa aking musika.
Ako ang manunulat
Na nais maging paksa
Ng iyong pahina.
Kai

Comments
Post a Comment