Bakit?
Ang panitikan ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na ipakilala ang ating lahi sa iba sa pamamagitan ng talino at angking kakayahan. Ang ating panitikan ay may kahalagahan sa ating buhay sapagkat ito ay naglalarawan ng ating kultura, paniniwala, mga tradisyon, at karanasan ng ating sinaunang lahi.
Naipapakita natin ang pagmamahal natin sa ating kultura sa pamamagitan ng pagtanggap sa ating panitikan. Maaari nating pag-aralan ang mga nakaraang pangyayari sa ating kasaysayan. Sa kasalukuyang panahon ang mga kaalaman nating napag-aralan ay makakatulong at ito ay pwede pa nating maipasa sa susunod na henerasyon bilang isang karunungan.
Dahil sa panitikan, ang mga tao ay may ang kakayahang kumonekta sa iba mula sa nakaraan at makakatulong ito na sumalamin sa kasalukuyan panahon. Ang higit pa dito'y nauunawaan natin ang kultura at tradisyon ng ibang tao.
Comments
Post a Comment